Marami na ang nasabi tungkol sa Kris-Ruffa isyu mula noong linggo ng pasimpleng sabihin ni Kris kay Ruffa na mas masaya dito sa ABS-CBN lalo na sa "The Buzz". Wala namang ibig sabihin iyon eh. Mali lang siguro ang pagkakaintindi ng iba. Bago natin ipako sa krus ang isang tao, alamin muna natin ang kaliwa't-kanan ng istorya. Alam naman natin na si Kris ay madaldal at walang preno kung magsalita. Pero siya ay hindi naman lumilihim sa magandang asal. Ang kanyang binibitawang salita ay matuwid at malinis. Nanggaling nga naman siya sa isang mabuting pamilya na laging pinahahalagahan ang damdamin ng kapwa-tao. Minsan kung nagsasalita siya ay alam naman natin na wala itong halo ng pang-uuyam o pangungutya.
Huwag na lang sana sumali sa usapan si Annabel Rama, ang dakilang ina ni Ruffa. Aba pag sumali pa siya ay lalong sisikat si Kris at Ruffa.
Huwag na lang sana siya sumawsaw sa usapang pangkaibigan. Si Kris bilang babae ay mapagmatyag sa ngayong galaw ng lipunan lalo pa't ilang beses na siyang naloko. Bilang kaibigan naman siya ay mapagbigay ng kalinga at pagmamahal dahil nga hindi pa niya ito matagpuan sa mga kaibigan. Si Kris, sa kabila ng lahat ng yaman ay nangangailan pa rin ng dalisay at wagas na pagtingin, walang bahid ng pagkukunwari. Bakit nga ba hindi pa rin ya matagpuan ang ganitong pagpapahalaga? Si Boy Abunda ay nakakapagbigay din naman ng kapatid-turing na pagtingin subalit hindi pa rin siya kabaro. Nais ni Kris ang isang totoong kaibigang babae na makakausap niya ng masinsinan.
No comments:
Post a Comment