Friday, November 26, 2010

Willie Revillame Reactions to ABS-CBN's (127 Million Copyright Case vs Willing Willie)

(from abs-cbn news)

ABS-CBN filed on Wednesday a P127 million copyright infringement case versus its former talent, Willie Revillame, his production outfit (WilProductions, Inc.), and ABC5 , now known as TV5, before the Makati Regional Trial Court (RTC).

In a 33-page complaint, ABS-CBN claimed that Revillame and his co-defendants unlawfully infringed on ABS-CBN’s copyright over its show, Wowowee, citing section 172.2(l) of the Intellectual Property Code.

ABS-CBN stated that as the producer of Wowowee, it is the legal owner of a valid and subsisting copyright over each and every one of the Wowowee episodes, and is thus entitled to protection against those who steal its work.

ABS-CBN alleged that Revillame's new show Willing Willie on TV5 is so closely similar to Wowowee, leaving no doubt that Revillame and the other defendants "deliberately and intentionally imitated Wowowee to steal the goodwill that Wowowee has built over the past 5 years of airing in ABS-CBN."



Willie Revillame's reaction thru his show Willing Willie in TV 5

"Ang ABS-CBN, idinemanda na naman ako," simula niya. "Nag-file po sila sa Makati naman, pagkatapos ng Quezon City.

"Palagay ko, iikutin nila ang buong Pilipinas para makasuhan lang ako.

"Ganyan po ang nakikita ko diyan. Hindi nila ako titigilan.

"Kasi po, ang kontrata ko sa kanila, dapat hanggang September 2011.

"E, sabi po nila sa akin, hindi na raw ako gusto ng mga tao.

"Sasabihin ko na po ang totoo, hindi ako nagsasalita..."

"July 31 po, dapat babalik na ako at alam po 'yan ng Panginoong Diyos.



"Nakaharap diyan si Ma'am Charo [Santos], ang presidente ng ABS. Si Direk Bobot Mortiz; ang dati kong manager, si Miss Arlene de Castro; at si Miss Linggit Tan.



"Babalik na po ako ng July 31, ang Wowowee.

"After ng meeting ko with Ma'am Charo, umuwi na po ako ng bahay ko.

"Kasama ko na po ang staff ng Wowowee at kung ano na po ang plano na ibalik.

"After po niyan, isang linggo, tinawagan po ako ni Miss Linggit Tan, at ang sabi niya, 'Mag-usap tayo.'

"Ang sabi po niya sa akin, 'Nang malaman ng mga tao na babalik ka na, marami ang nag-email. Ayaw kang pabalikin.'

"So, binibigyan ako ng isang araw na show, once a week."

"Ngayon po, nag-file na naman sila. Ang sabi nila ngayon, ginagaya raw namin ang Wowowee.

"Sino po ba ang Wowowee? Sino po ba ang nag-iisip sa Wowowee?" tanong ng TV host.


"Pag may problema ang ABS... sa 'Wilyonaryo,' nagkaroon ng technical glitch, ang technical staff ang nagkaproblema, sino ba ang inihaharap nila sa mga tao?

"Di po ba ako ang humaharap sa inyo?

"Nagkaroon po ng stampede [sa ULTRA ], 71 dead people...

"Sasabihin ko na po... Kinikimkim ko ito, kaya lang, ayaw nila akong tigilan. May respeto pa rin ako sa kanila.

"Sino po ba ang dumadalaw sa burol gabi-gabi? Nagbibigay ng sariling pera?

"Ako rin po.

"Alam po 'yan ni Ma'am Charo, pero hindi ko ipinagkakalat 'yan.

"Sinasabi ko na po ito lahat para malaman ninyo ang totoo. Kasi po, ayaw nila akong tigilan.

"Hindi naman po ako ang matatalo dito, e, kayo po. Dahil kayo ang binibigyan namin ng saya dito.

"Meron na po tayong isang buwan.

"Maraming salamat po kay Mr. Manny Pangilinan, ang president of TV5, kay Atty. Rey Espinosa, and of course, Boss Bobby Barreiro," pagbanggit ni Willie sa top executives ng Kapatid network.




No comments:

Post a Comment