Dumating na ang oras ng paglisan sa mortal na pamumuhay. Haharap na siya sa buhay na walang hanggan. Lahat na naging bahagi ng kanyang buhay ay tumatangis dahil sa labis na sama ng loob. Ang kanyang naging mga ama-amahan ay halos hindi matanggap sa iginiit ng tadhana. Subalit hiniling niya kay Bro na nais na niyang makasama ang kanyang mga magulang. Pinagbigyan naman siya ni Bro. Saglit na huminto ang tibok ng kanyang puso. Narating niya ang inang pinakaasam-asam. Nandoon din ang kanyang ama na kay tagal niyang nakilala. Maligayang-maligaya na sana siya. Subalit si Bro ay may nais pang ipagawa. Ang kanyang misyon ay hindi pa natatapos. Sino naman siya para tumanggi. Iyan si Santino, ang batang may himala. Hanggang kailan kaya niya dapat pang gampanan ang kaniyang misyon? Siya lang ba ang natatanging sugo ni Bro sa Sandaigdigan?
Si Rico, ang kapatid ni Santino, ay gumamit din na isang makapangyarihan, subalit sa isang mapaglinlang na paraan, nakaksira dahil nakakapag-udyok ng karahasan. Kahit panandalian lamang ito ay malaking kasiraan ang nangyari. Nanaig ang kasakiman, lakas laban sa lakas, matira ang matibay, kawawa ang mahina. Subalit nanaig ang kabutihan. Binigyan ni Bro ng babala si Santino para iligtas si Rico at ang Sangkatauhan. Nanumbalik ang pananampalataya ng mga tao. Namayani ang pagkakaisa.

No comments:
Post a Comment